SAMU’T saring basura ang makikita sa Apo Beach Zone 3 Sta. Cruz, Davao del Sur.
Halos nakadikit na sa buhangin ang mga basura na pagtutulungang alisin ng mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) bukas Nobyembre 23 sa gagawing Nationwide Cleanliness Drive na inisyatibo ni KOJC Leader Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa temang Kalinisan: Tatag ng Bayan layon ng programa na makatulong sa pagpapanatiling malinis ang kapaligiran lalo na ang mga dalampasigan.
#KalinisanTatagNgBayan
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal