SPM volunteers at iba’t ibang sektor, nagtulungan sa paglilinis ng Marihatag Municipal Tree Park na isang tourist spot

SPM volunteers at iba’t ibang sektor, nagtulungan sa paglilinis ng Marihatag Municipal Tree Park na isang tourist spot

NANDITO tayo ngayon sa Municipal Tree Park ng Barangay Arorogan, sa bayan ng Marihatag— isa sa mga paboritong destinasyon ng mga turista sa probinsya ng Surigao del Sur.

Para sa kaalaman ng ating mga viewers: Ang walong ektaryang lupain na ito ay pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Marihatag at na-develop noon pang July 1, 1999.

Dinarayo ng mga turista ang lugar na ito dahil sa napakagandang tanawin ng karagatan.

Pero, hindi inaasahan ng mga residente at turista na ganito ang magiging sitwasyon sa baybayin ng parke kalaunan.

Dumami ang basura sa lugar dahil sa kapabayaan at kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura.

Kaya naman ito ang napili ng Sonshine Philippines Movement para sa kanilang “Kalinisan, Tatag ng Bayan,” Cleanliness Drive na pinangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kasama natin ngayon ang mga volunteer mula sa iba’t ibang sektor— sa gobyerno, pribadong sektor, at mga lokal na organisasyon.

Taos-puso namang nagpasalamat ang lokal na pamahalaan kay Pastor Apollo C. Quiboloy na napili ang kanilang lugar para sa naturang aktibidad.

#OneTreeOneNation

#KalinisanTatagNgBayan

#CleanUpDrive

#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal

Follow SMNI NEWS on Twitter