HINDI inalintana ng mahigit 100 volunteers mula sa Sonshine Philippines Movement (SPM), Keepers’ Club, mga opisyal ng barangay, at mga residente ang tirik na araw habang masigasig nilang isinagawa ang paglilinis sa tabing-ilog ng Brgy. Macabling, Sta. Rosa, Laguna.
Tinanggal nila ang mga nagtataasang damo na nakakasagabal sa daan at sinigurado nilang malinis at maaliwalas ang paligid sa pamamagitan ng pagligpit sa mga nakakalat na samu’t saring basura.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng nationwide cleanliness program ni senatorial candidate Pastor Apollo Quiboloy, na naglalayong isulong ang disiplina, pagkakaisa, at malasakit sa kalikasan at komunidad.
#KalinisanTatagNgBayan
#OneTreeOneNation
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal