SPM volunteers, nagkaisa para sa pagtatanim ng puno sa Quirino

SPM volunteers, nagkaisa para sa pagtatanim ng puno sa Quirino

WALANG malayo, walang matarik at walang mahirap para sa volunteers ng Sonshine Philippines Movement (SPM) para isalba ang ating kagubatan sa inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pangangalaga ng ating Inang Kalikasan.

Ang bahagi ng Brgy. Pimentel, Diffun, Quirino Province ay isa lamang sa mga nakakalbong bahagi ng bundok at sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno, makatutulong ito na mapanatili ang kagubatan sa lugar.