SPM volunteers, walang alinlangan sa paglilinis ng bakawan sa Cavite City

SPM volunteers, walang alinlangan sa paglilinis ng bakawan sa Cavite City

SA kabila ng masangsang na amoy at tambak na dumi, walang alinlangan ang mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) sa kanilang misyon na linisin ang bakawan sa Brgy. 5, Zone 1, Cavite City.

Sa ilalim ng programang “Kalinisan: Tatag ng Bayan” ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, nagsanib-puwersa ang mga volunteer upang alisin ang magkakahalong basura sa lugar—mga kalat sa paligid, pati na rin ang mga plastik at iba pang waste materials na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng komunidad.

 

#KalinisanTatagNgBayan

#OneTreeOneNation

#PastorApolloParaSaKalikasan

#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble