Nagdesisyong magbitiw na lamang sa pwesto ang Spokeswoman ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga dahil sa isyu ng mamahaling hapunan na dinaluhan nito noong taong 2019.
Nagbitiw sa pwesto ang Spokeswoman ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na si Makiko Yamada dahil sa isyu ng pagdalo nito at iba pang Senior Officials ng bansa sa isang mamahaling hapunan na ang mismong anak ni Suga ang nag ayos.
Ayon kay Chief Cabinet Secretary Katsunobo Kto, ibinigay ni Yamada ang kanyang resignation letter kahapon.
Humingi naman ng paumanhin noong lunes si Japanese Prime Minister Yoshihide Suga kasunod ng pagbitiw sa puwesto ni Yamada.
Ang buong Administrasyon ni Suga maging si Cabinet Public Elations Secretary Yamada ay nakatanggap ng kritisismo mula sa publiko matapos iulat ng weekly magazine na Shukan Bushun noong nakaraang buwan na ang pinakamatandang anak ni Suga na si Seigo Suga, isang Executive sa isang film company ay nagbayad ng mamahaling hapunan para sa mga Senior Officials ng bansa.
“I’m very sorry that a member of my family was involved in behaviour resulting in public servants breaching the ethics law, and I apologise deeply to citizens,” pahayag ni Suga sa parlyamento. “I deeply regret that it has come to a situation, where people’s trust in the administration has been damaged”
Ayon sa ulat ng ilang local na media na ang hapunan ni Yamada kasama ang anak ni Suga at iba pang Senior Officials, ay nagkakahalaga ng 74,203 Yen ($696) kada isa.
Lumabas rin sa mga ulat na na-admit sa ospital si Yamada na nangangahulugang hindi ito makakadalo sa Parliamentary Committee Meeting na gagawin para sa pagkekwestyon rito kung bakit dumalo ito sa mamahaling hapunan na isinaayos ng anak ni Suga noong taong 2019 nang siya ay opisyal pa ng Ministry of Internal Affairs and Communications.
Ayon sa Japan National Civil Service Ethics Law, ang mga empleyado ng gobyerno ay hindi maaaring tumanggap ng regalo mula sa mga kumpanya o indibidwal na maaaring magbigay ng pabor sa mga ito.