Nakatakdang magtungo sa Russia sa susunod na linggo ang isang team ng Food and Drug Administration (FDA).
Ito ay para inspeksyunin ang Manufacturing Plant ng Gamaleya Research Institute na gumagawa ng bakunang Sputnik V (five) laban sa COVID-19.
Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, kailangang masuri ang manufacturing plant bago aprubahan ng FDA ang aplikasyon ng Gamaleya para sa Emergeny Use Authorization (EUA) ng bakuna nito.
Matatandaan na ikinokonsidera ng Pilipinas ang pagbili ng bakunang Sputnik V (five).
Ang bakuna na ito ay ginawa para sa COVID-19 vaccine at na-develop ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology at na rehistro noong Agusto 11 taong 2020 ng Russian Ministry of Health o Gam- COVID- Vac.