SRP ng Noche Buena items, ilalabas sa katapusan ng Oktubre— DTI

SRP ng Noche Buena items, ilalabas sa katapusan ng Oktubre— DTI

INAASAHANG ilalabas ang Suggested Retail Price (SRP) ng mga Noche Buena items sa katapusan ng Oktubre o sa pagsapit ng Nobyembre.

Ito ang inihayag ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa Laging Handa public briefing, upang magbigay aniya agad ng gabay sa mga konsyumer sa mga dapat bilhin na naaayon sa kanilang badget.

Dagdag pa ni Castelo, sa ngayon ay hindi pa sigurado ang Department of Trade and Industry (DTI) kung may pagtaas ng SRP ng noche buena products.

Pero ibinahagi ni Castelo na kung maalala, noong nakaraang taon ng Disyembre, nagtagumpay ang DTI na pakiusapan ang mga manufacturer ng Christmas products na hindi magtaas ng presyo.

Ngayong taon, muling susubukan ng DTI na pakiusapan ang mga manufacturer habang pag-aaralan naman ng ahensya kung paano mababantayan nang mabuti ang presyo.

 

SMNI NEWS