SSS acting Pres. at CEO Rolando Macasaet, nanumpa na sa bagong tungkulin sa harap ni ES Bersamin

SSS acting Pres. at CEO Rolando Macasaet, nanumpa na sa bagong tungkulin sa harap ni ES Bersamin

ITINALAGA si Rolando Ledesma Macasaet bilang acting President at Chief Executive Officer ng Philippine Social Security System (SSS).

Sa isang social media post ng Presidential Communications Office, makikita sa larawan ang panunumpa ni Macasaet nitong araw ng Huwebes, Enero 5.

Ginanap ang oathtaking sa opisina ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Si Macasaet ay nagsilbing pangulo at general manager ng Government Service Insurance System (GSIS) noong Marso 2020 kung saan nagsilbi rin siyang board chairman at officer-in-charge ng nasabing ahensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter