SSS, magpapatupad ng number coding sa mga miyembro nitong may transaksyon

MAGPAPATUPAD ng number coding ang Social Security System o SSS sa lahat ng mga member nitong may nakatakdang transaksyon sa opisina.

Sa isang Twitter post, inanunsyo ng SSS na makakatulong ang number coding upang maipatupad ang minimum health standards gaya ng social distancing at pagkokontrol ng bilang ng tao.

Babatay naman ang number coding sa huling numero ng kanilang SS number.

Ang SS number na may huling numero na 1 at 2 ay maaaring bumisita sa SSS sa Lunes.

Martes naman para sa 3 at 4; Miyerkules para sa 5 at 6; Huwebes para sa 7 at 8 habang Biyernes naman para sa 9 at 0.

Sakabila nito, papayagan pa rin ang mga walk-in transactions tulad ng pagbabayad ng utang at kontribusyon, pagtugon sa requirement ng SS number applications, pagpick-up ng UMID card, pagpresinta ng mga orihinal na dokumento para sa claim applications at iba pang katanggap-tanggap na kadahilanan.

SMNI NEWS