Sta. Maria, Ilocos Sur Mayor, suspendido ng 60-araw

Sta. Maria, Ilocos Sur Mayor, suspendido ng 60-araw

SUSPENDIDO sa ngayon si Sta. Maria, Ilocos Sur Mayor Brigido Camarillo.

Sa anunsiyo ng provincial board, ang suspensiyon ay magtatagal ng 60-araw.

Itinuturong dahilan nito ang pagkabigo ni Camarillo na aksiyonan ang mga problema sa kanilang bayan maging ang pag-tolerate sa mga manggagawa na palaging umaabsent sa trabaho.

Nitong Hunyo 1 ay epektibo na ang kaniyang suspensiyon na nilagdaan ni Ilocos Sur Gov. Jerry Singson.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter