Standby funds para sa Bagyong Egay, nasa P173-M—PBBM

Standby funds para sa Bagyong Egay, nasa P173-M—PBBM

NAGKAKAHALAGA ng 173 million pesos ang standby funds para sa Bagyong Egay.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang pagtitiyak na nakaalerto ang gobyerno sa gitna ng bagyo.

Maliban sa standby funds ay may nakapuwesto na ring food at non-food items.

Mayroon na ring naka-deploy na rescue teams mula sa Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Tinatayang halos 40-k ang mga pamilyang apektado ng Bagyong Egay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas at SOCCSKSARGEN.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble