Standhardinger ng Barangay Ginebra, nangunguna sa Best Player Conference ng PBA

Standhardinger ng Barangay Ginebra, nangunguna sa Best Player Conference ng PBA

KASALUKUYANG pinangungunahan ni Christian Standhardinger ang Best Player of the Conference (BPC) matapos nitong pangunahan ang Barangay Ginebra sa liga sa kalagitnaan ng pagkawala ni Japeth Aguilar dahil sa injury nito.

Nakakuha ang Fil-German ng 42.8 statistical points sa katapusan ng elimination round mula sa 22.9 points, 10.2 rebounds, at 6.0 assists sa 9 na laban nito upang makuha ng reigning champion ang No.3 seed patungong playoffs.

Kasunod ni Standhardinger sa BPC race ay ang duo ng San Miguel na sila CJ Perez at June Mar Fajardo na nasa ika-2 at ika-3 puwesto.

Nakapagtala si Perez ng 39.3 SPs samantalang si Fajardo naman ay mayroong 37.6 SPs.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter