STARLUX Airline, nagbukas ng ruta sa Cebu

STARLUX Airline, nagbukas ng ruta sa Cebu

DUMATING ang 188-seater Airbus A321neo ngayong 1:05 ng hapon sa Terminal 2 ng Mactan Cebu International Airport (MCIA) lulan ang mga pasaherong galing Taipei, Taiwan.

Ginanap din ang inaugural flight ceremony ngayong hapon sa MCIA na dinaluhan ni STARLUX Airlines Phils. Branch General Manager James Huang, Ms. Sophia Chi – Executive Assistant to the Representative of Taipei Economic & Cultural Office in the Phils.,  Mactan Cebu International Airport Authority General Manager and CEO Julius Neri, Jr. , Departmrnt of Tourism Usec. Elaine Bathan at iba pang mga bisita.

Ang STARLUX ang pangatlong Taiwanese International Airline company na may rutang Taipei-Cebu bukod sa Eva Air at China Airlines.

Sa ngayon ang MCIA ay mayroon nang 14 na foreign at 4 na Philippine-based airline partners at may 26 domestic destinations at 10 international destinations.

Follow SMNI NEWS in Twitter