State Chairman ng MNLF Davao City, nagpahayag ng paggalang kay Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa kaalaman nito sa Holy Qur’an

State Chairman ng MNLF Davao City, nagpahayag ng paggalang kay Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa kaalaman nito sa Holy Qur’an

NAGPAHAYAG ng paggalang ang State Chairman ng Moro National Liberation Front (MNLF) Davao City na si Aziz Monk Olamit kay Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa kaalaman nito sa Holy Qur’an.

Isa sa mga pangangaral ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang kaugnay sa paksa ng kapayapaan.

Lalo na sa mga panahon ngayon ng pag-iral ng digmaan sa Gitnang Silangan kung saan ang lahat ay nananawagan nito.

Bukod sa banal na Bibliya, bihasa ang butihing Pastor sa mga turo ng Holy Qur’an, ang banal na aklat ng mga Muslim.

Malinaw ani Pastor Apollo na kapayapaan ang hanap ng mga kapatid nating Muslim.

Bagay na siyang dapat ipalaganap sa buong mundo lalo na dito sa Pilipinas.

Viral sa social media ang pangangaral na iyon ng butihing Pastor na may daan-daang libong views. Hanga rin ang netizens sa mga paliwanag ni Pastor Apollo na nagsusulong ng pagkakaisa sa mga Kristiyano’t Muslim.

At para sa State Chairman ng MNLF Davao City na si Aziz Monk Olamit, kagalang-galang ang mga pahayag ni Pastor Apollo na napanood niya sa internet.

Kaya para sa MNLF at sa Muslim Community, hindi kapani-paniwala ang mga paninira ngayon sa butihing Pastor.

“Na-touch kami na mga muslim sa kaniya. Nagkaroon kami ng respeto sa kaniya. That’s why, hindi ako maniwala na gagawa siya ng masama. Dahil pati yung Qur’an at saka ‘yung Hadits, interpretation ng Qur’an eh alam niya,’ ayon kay Roland ‘Aziz Monk’ Olamit, Current State Chairman, MNLF Davao City.

Saad ni Olamit, bihira sa isang Pastor ang may malalim na pang-unawa sa mga turo ng Islam.

Kaya bukod sa Pastor, kapatid na rin ang turing nilang mga Muslim kay Pastor Apollo.

“So, kung marinig mo man ako… I will call him Brother, Pastor Apollo C. Quiboloy—sana you live peacefully, ngayon you will be delivered. Mabigyan ka rin ng hustisya. Because everything is a destiny. Siguro ang pagkakataon na nangyari ito sa’yo is kagustuhan ng Panginoon natin. You will be vindicated sooner or later. Inshallah Pastor,” dagdag pa ni Olamit.

Batay sa 2023 data ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa higit 6-M ang mga kapatid nating Muslim sa buong bansa.

Karamihan sa mga ito ay nasa Mindanao kung saan rin nagmula ang KOJC ni Pastor Apollo sa Davao City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble