IBINAHAGI ng isang historian na ‘very professional’ ang State Grid Corporation of China (SGCC) sa kanilang mga operasyon.
Ito ang dahilan ayon kay Herman Laurel kung kaya mayroong halos $90-B na investment sa power generation sector ang SGCC sa halos 90 bansa.
Dagdag pa ni Laurel, wala pang nababalitaan na kontrobersiya sa kanilang investments.
Iginiit din ng eksperto na hindi pinopolitika ng SGCC ang kanilang mga operasyon dahil masisira lamang ang kanilang reputasyon sa buong mundo.
Matatandaan na ilang senador ang nababahala sa 40% ownership ng State Grid Corporation of China sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).