NASA ilalim ng “state of emergency” ang Land Transportation Office (LTO) dahil sa nararanasan nilang kakulangan sa plastic cards para sa mga driver’s license.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng LTO ayon kay Chief Vigor Mendoza, II ang pinal na opinyon ng Office of the Solicitor General hinggil sa donasyon na 4-M plastic cards ng Philippine Society of Medicine for Drivers.
Inaasahang ipamahagi sana ngayong buwan ang ipinangakong plastic cards subalit posibleng sa buwan pa ng Abril tuluyan itong maibigay.
Sa datos naman para sa taong 2024, sinabi ni Mendoza na nasa 10 hanggang 12-M plastic cards ang kanilang kakailanganin.
Ngunit nilinaw ni Mendoza na malaking tulong din ang 4-M donasyon na plastic cards dahil nakatitipid ng P2-B ang pamahalaan.