State visit ni PBBM sa China, nakatuon sa pagpapalawig ng comprehensive strategic cooperation ng dalawang bansa

State visit ni PBBM sa China, nakatuon sa pagpapalawig ng comprehensive strategic cooperation ng dalawang bansa

TUMULAK na patungong People’s Republic of China si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong hapon ng Martes, Enero 3.

Kasama ni Pangulong Marcos si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at ang delegasyon ng Pilipinas para sa kanyang official state visit sa nasabing bansa hanggang sa Huwebes, Enero 5.

Sa kanyang departure statement, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na nakatuon ang kanyang pagbisita sa pagpapalawig ng comprehensive strategic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ito’y lalo na sa larangan ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura, agham at teknolohiya, kalakalan at pamumuhunan, COVID-19 response, at iba pang mahahalagang isyu.

Follow SMNI NEWS in Twitter