Statement of Sen. Go on a resolution calling for the resignation of Health Sec. Duque

NIRESPETO ko ang posisyon ng mga kasamahan ko sa Senado. At sumasang-ayon ako na merong mga pagkukulang, hindi lang si Sec. Duque, kundi ang buong DOH.

 

Marahil lahat rin ng tao sa DOH, hirap na gumalaw with all the cases they are facing. Sila mismo ay pilay na rin since many of our health officials are sidelined. There are 51 individuals within the DOH central office compound who are positive for COVID-19.

 

Pero nais ko rin ipahatid ang aking posisyon na sa panahong ito, mahirap na magpalit pa tayo ng “kapitan” sa gitna ng digmaan. Tulungan nalang natin siya at magbayanihan tayo para mas mabilis nating malampasan ang pagsubok na ito.

 

Ibang klaseng giyera ang hinaharap natin ngayon at ang kalaban ay hindi natin nakikita. Kailangan ang kooperasyon ng lahat. DOH cannot do it alone. This is the reason why President Rodrigo Duterte has instructed the military to get involved given their expertise in handling crisis situations.

 

Nandyaan po ang National Task Force na pinangungunahan ng retired generals tulad nila Secretaries Lorenzana, Galvez at Año para ma-reinforce ang iba’t ibang aspeto ng ating laban kontra COVID-19. The whole government and even the private sector are taking part in this fight in order for us to heal as one.

 

Bilang Chair ng Senate Committee on Health, binabantayan natin lahat ng pagkakamali tulad ng hindi pagtanggap ng mga ospital sa mga may sakit, mga mali o kulang na impormasyon na ikinakalat, at lalo na ang lahat ng pagkukulang ng DOH sa pagresponde sa krisis. Kung merong dapat managot, papanagutin natin sa tamang panahon.

 

Nakikiusap ako sa mga kasamahan ko sa gobyerno at sa publiko, sinusugal na ng lahat ang buhay nila sa laban na ito. We are fighting for survival. Laban naman ito ng bawat mamamayang Pilipino. Kaya dapat ay magtulungan at magbayanihan muna tayo ngayon.

 

Nevertheless, this should be an eye-opener for DOH to shape up. Gampanan nila ang tungkulin nila sa panahon na pinaka-kinakailangan ang kanilang mabilis na aksyon. Wala silang excuse dahil ibinigay naman ng Pangulo ang lahat ng tiwala at resources upang magawa nila ang kanilang mandato. Kailangan rin nilang mas makinig sa mga hinanaing ng mga tao at sa mga Senador na kinatawan ng mga mamamayang Pilipino.

 

DOH needs to work with everyone the same way we need them to step up and work better for our country to overcome this crisis.

 

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go

16 April 2020

VIA: Brenda Starr

Leave a Reply

Your email address will not be published.