ITINAAS na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon at nagbabala ito na meron na itong “increased tendency towards a hazardous eruption.”
Ayon sa PHIVOLCS, nangangahulugang nagpapakita na ang mayon ng magmatic eruption ng summit lava dome at potensiyal ang explosive activity nito sa mga susunod na linggo o araw.
Ang pagtaas ng status ng Bulkang Mayon ay ilang araw lamang matapos na itaas din ng PHIVOLCS sa Alert Level 2 ang Albay Volcano dahil sa mas maraming rockfall mula sa summit lava dome ng bulkan.
Ipinag-utos ng PHIVOLCS ang evacuation ng lahat ng mga residente sa 6-kilometer radius permanent danger zone dahil sa pyroclastic density currents (PDCs), lava flows, rockfalls at iba pang volcanic hazards.