KAILANGAN pang linawin ng Philippine National Police (PNP) sa Malacañang ang hinggil sa tinanggap na resignation ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. mula sa 18 high-ranking officials sa kanilang hanay.
Ayon kay PNP chief PGen. Benjamin Acorda Jr., hindi pa natanggap ang kopya ng nilagdaang dokumento mula kay Pangulong Marcos tungkol sa kanilang mga opisyal kaya hindi pa malinaw ang mga status nito.
Ikinokonsidera ng PNP na ilagay sa personnel holding and accounting unit ang mga nag-resign.
Nitong Martes, Hulyo 25 nang tinanggap ni Pangulong Marcos ang courtesy resignations.
Sa kabilang banda, tiniyak ni Acorda na magpapatuloy ang paglilinis nila sa kanilang hanay.