BIGONG umusad sa next round ng men’s singles ang 8th seed na si Stefanos Tsitsipas matapos payukuin ni Holger Rune ng Denmark.
Nagwagi ang 12th seed sa iskor na 6-4, 6-4.
Makakaharap naman nito sa quarterfinals si Tallon Griekspoor ng Netherlands na nagpayuko sa number 1 seed na si Alexander Zverev.
Magaganap ang kanilang laro ngayong Biyernes.
Nakatakda namang magtapos ang Indian Wells open sa Lunes, Marso 17.
Follow SMNI News on Rumble