MATAGUMPAY na pinataob ng Golden State Warriors ang Sacramento Kings sa Game 4 ng kanilang nagpapatuloy na paghaharap kaninang umaga, sa iskor na 126 – 125.
Naging sentro pa rin sa panalo ng Warriors si NBA Superstar Stephen Curry na muling gumawa ng 32-point performance
Habang ang kaniyang kapwa Splash brother naman na si Klay Thompson ay kumamada rin ng 26 points.
Naging maganda pa rin ang performance ni Kings Star De’Aron Fox sa kaniyang 38 points 9 rebound contribution, kasama ang 23 points ng kanilang rookie na si Keegan Murray.
Samantala, naging matagumpay naman ang pagbabalik ng defensive specialist ng Warriors na si Draymond Green kung saan gumawa ito ng double-double performance na may 12 points at 10 rebounds.
Lumamang ang Kings sa unang dalawang kwarter ng laro ngunit sa 3rd quarter ay nagpakawala ang Warriors ng 37 points habang 23 points lamang ang naipasok ng Kings.
Humabol pa ang Kings sa huling kwarter ngunit hindi na rin nakaya pang malamangan ang Warriors.