Stephen Curry, gumawa ng kasaysayan sa NBA pero Warriors, talo vs Atlanta Hawks

Stephen Curry, gumawa ng kasaysayan sa NBA pero Warriors, talo vs Atlanta Hawks

GUMAWA ng kasaysayan sa NBA ang Golden State Warriors star na si Stephen Curry matapos na makakuha ng 60 points laban sa Atlanta Hawks.

Ito ang kaniyang second career 60-point game kaya itinanghal si Curry bilang ika-10 player sa kasaysayan ng NBA na nakakuha ng multiple 60-point games.

Pero sa kabila ng performance na ito ni Curry ay natalo pa rin ang Warriors kontra Hawks sa iskor na 141-134.

Pinangunahan ni Trae Young ang panalo ng Hawks na nakapagtala ng 35 points.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble