ISASAGAWA ang 31st Annual Meeting of Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF) simula Huwebes, Nobyembre 23 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Posibleng magdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko bunsod ng ilang daang foreign delegates na naririto sa bansa na tatagal hanggang sa Sabado.
Kaugnay nito magpatutupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng stop-and-go scheme sa ilang lansangan sa Kalakhang Maynila simula ngayong Huwebes.
Kabilang na rito ay ilang bahagi ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), Diokno Boulevard, Macapagal Boulevard, Roxas Boulevard, at Atang dela Rama.
Magde-deploy ang MMDA ng nasa kabuuang 361 na tauhan sa mga apektadong lugar para pangasiwaan ang trapiko at gabayan ang mga motorista.
Magtitipun-tipon sa 31st Annual Meeting ng Asia-Pacific Parliamentary Forum ang nasa 275 foreign delegates mula sa 28 member countries sa Asia-Pacific region.