Strategic partnership ng PH Navy at Italian Navy, tinalakay ng mga opisyal

Strategic partnership ng PH Navy at Italian Navy, tinalakay ng mga opisyal

TINALAKAY ng mga opisyal ng Pilipinas at Italy ang pagsusulong ng strategic partnership sa pagitan ng Philippine Navy at Italian Navy.

Ito’y sa harap ng pagbisita ni Italian Undersecretary of State for Defense Matteo Perego di Cremnago sa Philippine Navy Headquarters sa lungsod ng Maynila.

Ipinaabot ni Philippine Navy Vice Commander Rear Admiral Caesar Bernard Valencia kay Di Cremnago ang nais na mapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa.

Habang pinasalamatan ni Di Cremnago si Valencia sa mainit na pagtanggap sa kaniya at umaasa sa malawak na kooperasyon sa larangan ng depensa lalo na sa naval maritime domain.

Ang pagbisita ni Di Cremnago ay kasabay ng goodwill visit ng Italian Navy Ship Franceso Morosini (P431) sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter