IBIBIGAY ng 77th Cannes Film Festival ang prestihiyosong Palme d’Or D’honneur Award sa Japanese animation company na Studio Ghibli.
Para kay Toshio Suzuki, ang co-founder ng Studio Ghibli, pinakalayunin nila sa pagtatayo nito 40 taon na ang nakalipas ay ang magbigay ng high-level at high-quality animation films para sa lahat.
Ngayon, ikinatuwa nila na marami na ang nakaka-appreciate ng kanilang ginagawa.
Ang ilan sa high-grossing films ng Studio Ghibli ang Princess Mononoke noong 1997; Spirited Away noong 2001; Howl’s Moving Castle noong 2004; Ponyo noong 2008; at The Boy and the Heron noong 2023.