INIHAYAG ng dating kadre ng CPP-NPA-NDF na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz ang istilo ng pangingikil ng komunistang teroristang grupo kaugnay sa tulong na maibibigay ng SIM Card Registration Act kontra sa extortion activity ng naturang grupo.
Araw ng Huwebes, Disyembre 29 nang isiwalat ni Ka Eric ang istilo ng extortion activity ng kaniyang tinalikurang partidong CPP-NPA-NDF kaugnay sa paggamit ng iba’t ibang SIM card.
Sa kabilang banda naman ay ipinaliwanag ni Ka Eric ang malaking tulong ng naturang SIM Registration Act para madaling matunton ang taong responsable sa pakikipag transaksyon ng mga iligal na gawain.
Para naman kay PCol. Jean Fajardo, spokesperson ng Philippine National Police, malaking tulong ang maibibigay ng SIM registration sa pagsasagawa ng imbestigasyon kumpara noon.