NAREKOBER sa katubigan ng Brgy. Iniwaran, San Pascual, Masbate nitong Lunes, Disyembre 30, 2024 ang isang hinihinalaang submarine drone.
Batay pa sa inisyal na imbestigasyon ng Police Regional Office 5 sa Bicol, mayroong Chinese markings ang naturang drone na may body number na HY-119.
Posible umanong ginagamit ito para sa communication, underwater surveillance, oceanographic research, at naval operations.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Philippine Navy ang drone para sa mas malalim na imbestigasyon.
Samantala, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) , patuloy nilang tinutukoy ang pinagmulan ng drone at kung may kaugnayan ito sa anumang banta sa seguridad ng bansa.