Subpoena kay Bantag, inilabas na

Subpoena kay Bantag, inilabas na

NAGPALABAS na ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) para kay suspended Bureau of Corrections Director Gerald Bantag.

Ito ang kinumpirma ngayon ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na ipinapatawag na ng panel of prosecutors para humarap sa preliminary investigation.

Magugunitang si Bantag ay inakusahang nag-utos na patayin ang radio broadcaster na si Percy Lapid.

Noong nakaraang Lunes ay pormal na siyang sinampahan ng reklamong murder sa DOJ, pati na rin ang kanyang tauhan na si Senior Jail Officer 2 Ricardo Zulueta.

Ayon kay Malcontento, pinapaharap sa DOJ si Bantag sa November 23, 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter