Subpoena na inilabas ng QC Prosecutor’s Office vs PRRD, normal na proseso—DOJ

Subpoena na inilabas ng QC Prosecutor’s Office vs PRRD, normal na proseso—DOJ

NILINAW ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla na normal na proseso sa piskal ang pagpapatawag sa isang inirereklamo sa pamamagitan ng summoned.

Sagot ito ng kalihim matapos maglabas ng subpoena ang Quezon City Prosecutors Office laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa reklamong grave threat na isinampa ni Alliance of Concern Teacher Cong. France Castro.

Pinahaharap ng piskal sa kanilang tanggapan ang dating Pangulo Duterte sa Disyembre para sagutin ang reklamo.

Inihalintulad ni Remulla ang ginawang pagpapatawag sa kaniya nang sinampahan ito ng murder complaint ni dating Bureau of Correction (BuCor) Chief Gerald Bantag sa ginagawa ngayon kay Duterte.

Pero giit pa ng kalihim na wala itong kinalaman sa pagpapalabas ng prosecutor ng summon laban sa dating Pangulo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble