Subpoena para kina Bantag at iba pa hinggil sa Lapid case, ilalabas na ngayong araw

Subpoena para kina Bantag at iba pa hinggil sa Lapid case, ilalabas na ngayong araw

MAGPAPALABAS na ng subpoena ngayong araw, November 14 ang Department of Justice (DOJ) para kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at iba pa hinggil sa pagkamatay ni Percy Lapid at sa inmate na si Cristito Villamor.

Ang paglalabas ng subpoena para sa appearance at paghahain ng counter-affidavits ay ang pormal na pasisimula ng preliminary investigation sa kaso.

Si Bantag at BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta ang itinuturong masterminds sa pagkamatay ni Lapid at katuwang nito ang ilang PDLs sa New Bilibid Prison na sina Denver Batungbakal Mayores, Alvin Cornista Labra, Aldrin Micosa Galicia at Alfie Penaredonda.

Sa namatay naman na itinuturong middleman na si Villamor, makakasuhan din nito ang PDLs na sina Christian Dizon Ramac, Ricky Lamigo Salgado, Ronnie Pabustan dela Cruz at Joel Alog Reyes.

Sinabi na ng DOJ na wala silang intensyon na idiin sa imbestigasyon si Bantag kasunod sa hamon ng dating BuCor chief na magbitiw na sa pwesto si DOJ Sec. Boying Remulla.

 

 

Follow SMNI News on Twitter