Subsistence allowance ng 10th ID, ibinigay sa mga biktima ng kalamidad sa Maguindanao del Norte

Subsistence allowance ng 10th ID, ibinigay sa mga biktima ng kalamidad sa Maguindanao del Norte

IBINIGAY ng mga tauhan ng 10th Infantry “Agila” Division ang kanilang 697,000 pisong subsistence allowance para sa relief operations sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa Maguindanao del Norte.

Ayon kay 10ID spokesperson Captain Mark Anthony Tito, ginamit ang nasabing halaga para makabili ng 1,000 hygiene kit kabilang ang mga toothpaste, toothbrush, tsinelas, kulambo, sabong paliguan, detergent bar, kape, at balde.

Sinabi ni Capt.Tito na ipinamahagi ang relief packs ng 10th Civil-Military Operations (CMO) Battalion kasama ang 6th CMO Battalion ng 6th Infantry Division, at Datu Blah Sinsuat LGU sa mga residente ng Barangay Pura at Barangay Matuber.

Habang 720 pamilya sa Barangay Delican at Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat ang nakatanggap ng 5 kilong bigas, canned goods, noodles, at pre-loved clothing mula sa 10ID at Kiwanis International Philippines South District Division 6A, 6B, 7, at 8.

Pinuri ni Major General Nolasco Mempin, commander ng 10ID ang pinagsamang pagsisikap ng 10ID at 6ID para makatulong sa mga biktima ng kalamidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter