Substitute team para makapagpahinga ang health workers sa NCR, bubuuin

Substitute team para makapagpahinga ang health workers sa NCR, bubuuin

INILAHAD ng Department of Health (DOH) na kailangang gumawa ng substitution team para makapagpahinga ang health workers sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DOH spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa ginanap na virtual press briefing.

Aniya, may mga kasamahan silang medical workers mula sa regional hospitals na pupunta dito sa NCR.

Maliban dito, sinabi ni Vergeire na kukunin din ng DOH ang tulong ng health workers mula sa mga pribadong ospital na maaaring tumulong sa medical frontliners sa NCR.

“Mag-aanunsyo din kami ng programa para po sa mga private health care professionals natin na nasa ibang parte ng Pilipinas na gustong tumulong po muna dito sa atin,” ayon kay Vergeire.

Dagdag pa ni Usec. Vergeire, makikipagpulong ang DOH sa Alliance of Concerned Professionals upang bumuo ng recalibrated strategy laban sa COVID-19 na inaasahang makukumpleto na sa araw ng Biyernes.

Samantala, minamadali na ang konstruksyon ng karagdagang wards sa East Avenue Medical Center at Quirino Memorial Medical Center upang makapag-serbisyo ng marami pang COVID-19 patients.

Inihayag pa ng DOH na oras na makumpleto ang kontruksyon nito, makapagpo-provide ito ng dagdag na 250 hospital beds at 30 ICU beds.

Tinig ni DOH Usec. Leopoldo Vega:

[su_audio url=”https://smninewschannel.com/wp-content/uploads/2020/08/SOT-USEC-LEOPOLDO-VEGA-online-audio-converter.com_.mp3″]

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.