ITINUTURING ng World Health Organization (WHO) na variant of interest ang JN.1 subvariant ng COVID-19.
Pero ayon sa WHO, mababa ang banta nito sa kalusugan ng publiko.
Itinuturing ng WHO na variant of interest ang isang variant kung natukoy na nagdudulot ito ng community transmission o kung na-detect na sa ilang bansa.
Una nang na-detect ang JN.1 subvariant sa Amerika at iniulat ng China kamakailan na may 7 na rin silang kaso ng naturang sub-variant ng COVID-19.