Suga ng BTS, nagdonate ng 100-M won sa Turkiye at Syria

Suga ng BTS, nagdonate ng 100-M won sa Turkiye at Syria

NAGDONATE ng 100 million won ang Korean boyband member na si Suga para sa mga naapektuhan ng 7.8 na lindol sa Turkiye at Syria.

Ito ay ibinahagi ng isang non-governmental organization (NGO) na Save the Children kasabay sa pagdiriwang ng rapper ng kaniyang kaarawan.

Dagdag pa ng NGO, hindi ito ang unang beses na nagdonate si Suga sa isang special cause sa kaniyang kaarawan.

Ilan sa mga natulungan na ng rapper ay ang wildfire victims, pediatric cancer patients, maging COVID-19 prevention efforts, at marami pang iba.

Gagamitin ang nasabing donasyon para sa emergency relief, winter blankets, mga gamit sa paaralan, at sa iba pang mga pangangailangan ng lubos na mga biktima ng apektadong lugar.

Maliban kay Suga, nagbigay ang ahensiya ng BTS na HYBE ng 500 milyong won sa kaparehong organization habang si J-Hope naman ay nagdonate ng 100 million won sa UNICEF.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter