NAGTAKDA ng suggested retail price (SRP) para sa karneng baboy ang Department of Health (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).
Kasunod ito sa muling pagtaas ng presyo ng karneng baboy na aabot sa halos P400 pesos kada kilo.
Batay sa itinakdang SRP nasa P270 kada kilo ang kasim habang P350 kada kilo naman ang presyuhan sa liempo.
Maging epektibo naman ito mula bukas, Abril 9 para sa imported at local pork.
Palalakasin rin ng ahensiya ang kanilang compliance monitoring team upang matiyak na sumusunod ang mga nagtitinda sa itinakdang suggested retail price.
(BASAHIN: Price ceiling ng karneng baboy at manok, mananatili hanggang Abril 8)
Transport assistance sa mga magbababoy, magpapatuloy sa NCR Plus bubble
Magpapatuloy ang transport assistance ng Department of Agriculture (DA) sa mga magbababoy upang mapanatili ang suplay ng pork sa NCR Plus bubble sa gitna ng enhance community quarantine (ECQ).
Naglaan din ng P45 million ang ahensiya sa tulong ng mga lokal na pamahalaan para sa freezers at chillers na gagamitin ng mga pork vendors.
Kaugnay nito, ayon kay DA Secretary William Dar, ipapatupad nila ang mga bagong guidelines para sa mga importers ng pork gaya ng proper packaging at labeling ng mga ibinibentang baboy.
Prayoridad naman ngayon ng DA ang swine repopulation program at ang laban kontra African Swine Fever (ASF).
Naniniwala ang ahensiya na magtatagumpay ang kanilang mga programa upang matugunan ang kakulangan ng suplay ng baboy sa Metro Manila.