NEGATIBO ang magiging epekto kung ihinto na ang free college education sa state universities at colleges.
Sagot ito ng Commission on Higher Education (CHED) sa mungkahi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na ihinto na lang ang batas dahil hindi rin naman aniya ito “sustainable”.
Ayon kay CHED chairman Prospero de Vera III, hinihingi lang nila na baka maaaring mataasan ang pondo na ilalagak para dito subalit tiniyak na pinagkakasya nila kung magkano man ang ibinibigay.
Naniniwala si De Vera na ang pagbibigay ng magandang oportunidad para sa mga mag-aaral na magkaroon ng access sa higher education ay nagreresulta ng mataas din na return of investment (ROI).
Paliwanag niya, sa isang ulat ng World Bank, hanggang 17% ang ROI na makukuha ng isang bansa mula sa mga mag-aaral na nakapagtapos sa kolehiyo.