Sulfur dioxide emission na ibinubuga ng Bulkang Mayon araw-araw, mahigit 1k tonelada

Sulfur dioxide emission na ibinubuga ng Bulkang Mayon araw-araw, mahigit 1k tonelada

UMABOT sa mahigit isanlibong tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Mayon noong Martes, Hulyo 11.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), mas mataas ito kumpara sa 721 tonelada ng sulfur dioxide emission na naitala noong Lunes.

Nanatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Mt. Mayon at pinapayuhan ang mga nakatira sa 6-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan na lumikas dahil sa panganib ng pagdaloy ng lava, rockfalls at iba pang volcanic hazards dahil sa nagpapatuloy na mataas na unrest ng bulkan.

Sa ngayon, nakapagtala na ang PHIVOLCS ng 423 rockfall events, 24 volcanic earthquakes, walong dome at lava front collapsed-triggered pyroclastic density currents.

Nanatili namang nasa 2.8 kilometers ang haba ng daloy ng lava sa Mi-Isi Gully habang nasa 1.3 kilometro naman sa Bonga Gully.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter