Sulfur dioxide emissions mula sa Bulkang Taal, tumaas—PHIVOLCS

Sulfur dioxide emissions mula sa Bulkang Taal, tumaas—PHIVOLCS

TUMAAS ang sulfur dioxide emissions mula sa Bulkang Taal ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Mula sa average na anim na libong (6,057) tonelada bawat araw, nasa walong libong (8,322) tonelada na ito nitong Lunes, Disyembre 16, 2024.

Dahil dito, ipinaalala sa mga residente malapit sa Bulkang Taal sa Batangas na hangga’t maaari ay iwasan ang outdoor activities at sakaling lalabas ay magsuot ng N95 facemasks.

Samantala, nananatiling nasa Alert Level 1 pa rin ang nabanggit na bulkan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble