NIYANIG ng magnitude 5.9 na lindol ang Palimbang, Sultan Kudarat, 12:11 ng hatinggabi nitong Linggo, Abril 20, 2025.
Batay ito sa ulat ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Dahil dito, ramdam ang Intensity 5 sa mga karatig-lugar tulad ng Kiamba, Sarangani; at Lebak at Palimbang, Sultan Kudarat.
Intensity 4 ang naramdaman sa Alabel, Glan, at Maitum, Sarangani; T’boli at Tupi, South Cotabato; at Kalamansig, Sultan Kudarat.
Habang Intensity 3 sa Maasim, Malapatan, at Malungon, Sarangani; at sa Banga, Koronadal City, Lake Sebu, Norala, Polomolok, Santo Niño, Surallah, Tampakan, at Tantangan, South Cotabato.
Intensity 3 rin ang naramdaman sa General Santos City; at sa Bagumbayan, Esperanza, Isulan, Lambayong, Lutayan, Senator Ninoy Aquino, at Tacurong City, Sultan Kudarat.
Pagdating naman ng 12:50 ng hatinggabi ay muling niyanig ang Palimbang ng magnitude 5.1 na lindol.