Sulu, Abu Sayyaf-free na ayon sa militar

Sulu, Abu Sayyaf-free na ayon sa militar

MALAYA na sa kamay ng teroristang grupo na Abu Sayyaf ang lalawigan ng Sulu.

Ito ay matapos ideklara ng militar na nakawala na sa impluwensiya ng grupo ang apat na barangay sa Indanan, Sulu.

Inanunsiyo ang magandang balita sa Area Clearing Validation Board (ACVB) na ginanap sa Camp Bud Datu, Brgy. Tagbak, Indanan, Sulu.

Kabilang sa “Abu Sayyaf-free barangays” ay ang Kagay, Sawaki, Tumantangis at Bud Taran.

Ayon kay Brigadier General Taharudin Ampatuan, assistant division commander ng 11th Infantry “Alakdan” Division, hindi malayong maideklara nila na “Abu Sayyaf-free” ang buong Indanan sa hinaharap.

Pinuri ng heneral ang tagumpay ng Community Support Program-Preventing and Countering Violent Extremism (CSP-PCVE) sa pamamagitan ng pagtutulungan ng local government units at iba pang partner stakeholders.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter