Summer Classes, magpapatuloy ayon sa DepEd. Sinabi ng Department of Education na magpapatuloy pa rin para sa taong 2021-2021 ngunit babaguhin ito depende sa pagbabagong ginawa sa kasalukuyang school calendar.
Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, pinag-uusapan pa ng kanilang departamento sa ngayon ang adjustments na gagawin para sa summer Classes.
Base sa school calendar and activities for SY 2020-2021 o DepEd order no. 0030 series of 2020 na inisyu ni Education Secretary Leonor Briones noong October 2, 2020, inaasahang dumalo ang mga studyante ng summer class na magsisimula sa june 14 hanggang july 23.
Kasama sa highlights ng inamyendahang school calendar ay ang Intervention at Remediation Activities para sa mga mag-aaral mula March 1 hanggang 12 at ang In-service Training (INSER) para sa mga Teachers simula march 15 hanggang 19.
Ang isa pang highlight ng school calendar ay ang pagbabago ng natitirang Quarters kung saan magsisimula ang Quarter 3 sa March 22 hanggang May 15, 2021 at ang simula naman ng Quarter 4 ay sa May 17 hanggang July 10, 2021.
Sinabi din ng DepEd na ang mga pagbabagong ito ay upang mabigyan ang mga paaralan na makapagpatupad ng “Intensive Intervention and Remediation” activities para sa mga mag-aaral at mabigyan ang mga guro ng dagdag oras upang mag-adjust para sa ibang Learning Delivery Modalities.