ITINUTURING na naging makabuluhan at matagumpay ang kauna-unahang regional summit on mental health, na may titulong “Nurturing Mental Health to Enhance Efficiency and Productivity in the Judiciary” na idinaos sa Cordillera Convention Hall ng Baguio Country Club sa Baguio City.
Layunin ng naturang regional summit na pinangunahan mismo ni Chief Justice Alexander Gesmundo na para mabigyang importansiya at kahalagahan ang mental health ng lahat ng mga judicial officers at employees sa hudikatura.
Ang unang regional summit na idinaos sa labas ng National Capital Judicial Region ay dinaluhan ng halos 200 participants kabilang na ang mga judge; clerks of court, at mga personnel mula sa first-and second-level courts ng First Judicial Region.
Ito aniya ay isang programa ng Korte Suprema na naglalayong labanan ang mental health risks sa pamamagitan ng awareness, mawala o matigil na ang social stigma sa paligid ng trabaho at maisailalim sa professional counseling ang mga apektadong empleyado.