Sundalo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, tumanggap ng Noche Buena mula AFP

Sundalo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, tumanggap ng Noche Buena mula AFP

MATAGUMPAY na naihatid sa mga nakaistasyong sundalo ng BRP Sierra Madre ang mga regalong Noche Buena Package para sa kanila sa Ayungin Shoal.

Kinumpirma mismo ni AFP Chief of Staff Romeo Brawner ang paghahatid ng regalo.

Aniya, nananatiling mataas ang morale ng mga sundalo na nagbabantay sa Ayungin Shoal, Pag-asa Island, Rizal Reef, Patag Island, Pamata Island, Kota Island, Lawak Island, Parola Island, at Likas Island.

Layon ng pagbibigay ng Noche Buena packages sa mga tauhan ng militar bilang pasasalamat sa sakripisyo ng mga ito sa pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble