Sundalo na nahuli dahil sa gun running sa Cotabato, sasailalim sa patas na pagtrato ayon sa PNP chief

Sundalo na nahuli dahil sa gun running sa Cotabato, sasailalim sa patas na pagtrato ayon sa PNP chief

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang patas na pagtrato sa isang sundalo na nahuli sa Carmen, Cotabato.

Ito ay matapos ang entrapment operation ng Police Regional Office (PRO) 12 dahil sa pagkakasangkot umano nito sa gun running sa lugar.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kinilala ang suspek na si Sergeant Abdulbakie Abdulhalim Abdurajak, 46 taong gulang at nakatalaga sa 602nd Brigade sa Cotabato.

Nakuha sa kanya ang M4 Colt Carbine, 50 piraso ng cal. 5.56 ammunition; 69 piraso ng cal. 45 ammunition; 300 piraso ng cal. 9mm ammunition; at buy-bust money na nagkakahalaga ng 200,000 piso.

Iginiit ni Azurin na sa ilalim ng Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan o MKK=K program ay makakaasa ang publiko na magiging patas, transparent at justice-driven ang PNP sa sinumang nahuhuli sa operasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter