NAGPAHATID ng kaniyang pasasalamat sa Office of the Vice President of the Philippines – Western Mindanao Satellite Office (OVP-WMSO) ang isang sundalo ng Zamboanga Sibugay na naging biktima at nasugatan sa nakaraang engkuwentro sa pamamagitan ng militar at Dawlah Islamiya-Maute Group (DI-MG) sa Munai, Lanao del Norte nitong Pebrero.
Nakapag-avail ng medical assistance ang sundalo at mga kasamahan nito mula sa OVP – WMSO para sa kanilang mga gamot sa pagpapagaling.
Matatandaang binisita mismo ni Vice President Sara Duterte ang mga sugatang sundalo sa isang ospital sa Iligan matapos ang engkuwentro noong Pebrero.