Sunog at malakas na pagsabog, sumiklab sa kalagitnaan ng pinakamalaking lake sa buong mundo

Sunog at malakas na pagsabog, sumiklab sa kalagitnaan ng pinakamalaking lake sa buong mundo

NAGLIYAB at binalot ng maitim at makapal na usok ang baybayin ng Azerbaijan sa Caspian Sea.

Ayon sa gobyerno ng State Oil Company na SOCAR, posibleng mud volcano ang dahilan ng pagsabog.

Kinumpirma naman ito ni mud volcano expert Mark Tingay.

Aniya, ang lokasyon ng pinangyarihan ay akma sa lokasyon ng mud volcano na tinatawag na Makarov Bank.

Dagdag pa ni Tingay, sumabog na rin ito taong 1958 kung saan umabot sa taas na 500-600 metro at lawak na 150 metro ang apoy nito.

Samantala, kilala ang Azerbaijan bilang ‘land of fire’ dahil sa mataas na subterranean oil at natural gas reserves nito.

 

SMNI NEWS