Sunog sa Binondo, 2 PCG personnel nasawi: PCG nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya

Sunog sa Binondo, 2 PCG personnel nasawi: PCG nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya

NAGPAABOT ng pakikiramay ang buong hanay ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na masawi ang 2 tauhan nito sa nangyaring sunog sa isang residential building, Quentin Paredes Street, Binondo, Manila, nitong Agosto 2, 2024.

Napag-alamang “boarders” o pansamantalang nangungupahan sa lugar sina Coast Guard personnel – Apprentice Seaman (ASN) Ian Paul Fresado and ASN Mark Hernandez nang mangyari ang sunog.

Batay sa imbestigasyon, sumabog ang LPG na nasa ground floor ng gusali hanggang sa kumalat na ang apoy.

Agad na dinala ang mga labi nito sa Batangas Sanctuary Funeral Home sa Abad Santos Avenue, Tondo, Manila.

Bukod sa dalawa, nasawi rin ang 9 na iba pa sa insidente.

Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, maglalaan ang PCG ng pinansiyal na tulong sa pamilyang naiwan ng dalawang nilang tauhan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble