Sunog, sumiklab sa isang bahagi ng Uptown Mall sa BGC

Sunog, sumiklab sa isang bahagi ng Uptown Mall sa BGC

SUMIKLAB ang sunog sa isang bahagi ng Uptown Mall sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig ngayong Martes.

Sa pahayag ng Uptown Bonifacio, nasunog ang isang non-operational movie theater sa ikatlong palapag ng Uptown Mall kaninang alas 11:30 ng umaga.

Agad naman anilang idineklarang under control ang sunog sa tulong ng Security at Emergency Responders ng Mall at ng mga bumbero mula sa Bureau of Fire Protection.

Tiniyak naman ng pamunuan ng mall na walang nasugatan o nasawi sa insidente.

Agad ding nailikas ang mga mall-goers, tenants at mga empleyado.

Follow SMNI NEWS in Twitter